Wednesday, November 19, 2014

Don't Forget to bring Vicks

Pag malamig ang panahon, napansin ko na mas madalas hindi naliligo ang mga ibang lahi dito. Alam ko kasi lumalakas ang baho at putok ang naamoy ko kapag winter. Lalong lalo na sa graduate computer lab namin. Pag summer o autumn, hindi ganun ka sama. Meron paminsan minsan may uupo sa tabi mo na may amoy, pero oks lang. Lipat ka lang ng computer. Pero talaga pag winter, yung buong lab mabaho. Kahit saan ka lumipat, amoy mo yung hindi pagkaligo, or worse, yung putok. Mahihilo ka ng di oras. Ang panangga mo sa B.O. ay Vicks vaporub. Pahid ka lang ng kaunti sa may ilong mo para hindi mo maamoy yung baho. 

Ayun lang. Payong kapatid. Don't forget to bring Vicks.